Bago ang lahat ito muna!
Disclaimer: I’m not encouraging my readers to patronize pirated dvds.
Bakit nga ba mabenta ang pirated dvds sa Quiapo at bakit ito tinatangkilik?
- Of course, mura at maganda na rin ang kalidad
- Pag may suki ka na, pwedeng from 75 pesos makuha mo na lang nang 60 ang dvdng nasa lata
- Pwede rin i-pa try
- Ang panalo pa dito, pwedeng CD lang ang bilihin mo, makakatipid ka ng 10 pesos, from 35 to 25
- Pwedeng isauli kapag tumatalon
- May HD at Bluray ek-ek na rin sila roon
Panalo diba?
Pero kung tatanga-tanga ka pa at baguhan sa pagbili ng pirated dvd sa Quiapo ito ang maaaring mangyayari sayo:
- Mauuto ka muna, akala mo kase makakatipid ka kung compilation dvd na ang bibilihin mo!
- Kung kampante ka sa nabili mo at hindi mo pinatesting, malamang hindi kasabay ng bunganga nila ang subtitle ng pelikula…
- O kaya naman maririndi ka mag edit ng grammar dahil sa barok na subtitle!
- Pwede rin na tumalon-talon ang dvd mo, masaklap pa nito eh madalas dun pa sa part na malapit na matapos!
- At kung isasauli mo naman, baka wala kang balikan!
- Kung mamalasin ka pa, baka may raid pa sa araw ng pagpunta mo sa Pirated DVD Capital ng Pilipinas… tsk, tsk, tsk!
Kung hindi malakas ang loob mo, wag ka na lang bumili ng pirata! Pumunta ka na lang sa mall, bumili ka na lang ng mga sale na dvds sa mga leading music store!